BAGONG
KRITISISMO
Daloy ng Pagtatalakay:
·
Ano ang Bagong
Kritisismo?
·
Kailan Nagsimula ang
Bagong Kritisimo? (Buong Bansa at Pilipinas)
·
Mag proponent sa Bagong Kritisismo
·
Simulain ng Bagong
Kritisismo
·
Positibo at
Negatibong Pagtanggap sa Bagong Kritisismo
·
Mga Panliteraryang
Teknik
·
Halimbawa ng akdang
nasa Teoryang Bagong Kritisismo
Ano ang Bagong Kritisismo?
Ibat-ibang pagpapakahulugan
ng Bagong Kritisismo: (Bilang Teoryang Pampanitikan)
Uri ng pagdulog na ang kahulugan ng akda ay hindi
nalalaman sa intension ng may-akda, konsepto ng mambabasa o kasaysayan ng
kultura. Ang kahulugan ng akda ay nalalaman sa pagiging masining at pagbuo ng
mga salita sa isang akda (Garett).
Sa masusing pag-aaral ng panitikan, Ang isang akda ay
mainam na sanggunian ng kahulugan at impormasyon. Ang isang tula ay hindi
nasusuri sa kasaysayan, ideolohiya, pulitika, pilosopiya o iba pang aspeto sa
pagpapakahulugan ng panitikan. Ang bagong kritisismo ay pag-aaral nan aka-pokus
lamang sa pagpapakahulugan ng bawat teksto sa isang akda (Searle).
(New Critism)
“Art for art’s sake” Maxim (Armstrong, Atlantic State University).
A
close study of literary language, especially in poetry. The oblique quality of
literary language, the creative process e.g. irony, paradox, ambiguity, the
polysemous or language of intention (Boyd,
Fordham University).
Ayon sa librong
Kritisismo ni Soledad S. Reyes
(Kritisismo: Mga Teorya Formalismo/Bagong Kritisismo
p.55-67)
Ang
Bagong Kritisismo ay isang di-maiiwasang produkto ng pag-unlad ng kilusang
modernismo sa Kanluran. Nabigyang-daan ang modernistikong pananaw dahil sa
magkaugnay na mga pangyayari sa ikalawang hati ng ikalabingsiyam na dantaon at
sa unang mga dekada ng siglo dalawampu.
Sa
kritisismo, lumitaw ang isang malaking bilang ng mga kritiko na nagpalagay sa
Bagong Kritisismo bilang isang siyensya ng teksto at tumingin sa kanilang
sarili bilang tagapagsuri hindi ng lipunan, hindi ng mambabasa, hindi ng
ideolohiya, hindi ng manunulat kundi ng akdang pampanitikan.
Sa
makabagong pananaw, sa madaling salita, hindi na binibigyang halaga ang
sumususnod na mga element: ang may-akda, ang kasaysayan o konteksto, at ang
mambabasa. Walang kabuluhang mabatid ang intensiyon ng may-akda sa kanyang
paglikha sapagkat siya ay isang indibidwal na pumasok sa sistema ng pagsulat na
may kahulugan lamang doon sa loob ng diskurso ng panitikan.
Bukod
rito, ang kanyang likha ay isang walang interes na saksi na nagnanasa lamang na
sagutin ang pangangailangan ng teksto bilang isang akda at hindi upang maging
instrument para ipahayag ang ideolohiya o pananaw.
Bilang
pagbubuod, maituturing ang Bagong Kritisismo bilang prudukto ng makabagong
sensibilidad: ng kilusang modernism sa teorya at krititsismo. Pinatunayan ng pananaw
na ito na may sapat na kakayahan ang kritisismo upang gawing obhektibong
siyensiya ang pag-aaral at maging ang interpretasyon ng panitikan.
Bagong
Kritisismo (Bilang Kilusan)
Sa
Buong Mundo
Lumitaw
sa unang mga dekada ng siglo dalawampu at namayani hanggang sa marating nito
ang rurok ng tagumpay bilang pinakamakapangyarihang sistema ng pagsusuri sa
ikalima at ikaanim na dekada.
Sa Pilipinas
Ito ang konteksto ng pagpasok sa kritisismo ng isa pang
grupo ng higit na nakakabatang mga kritiko na mag-hudyat ng paghihimagsik na
higit na matindi at polemikal kaysa sa isinagawang rebelyon nina Abadilla at
Agoncillo. Kabilang sa grupo sina Virgilio S. Almario, Rogelio G. Mangahas,
Pedro L. Ricarte at Lamberto E. Antonio. Magkaiba ang kanilang ginawang
paghahanda si Agoncillo ay isang historyador, samantalang si del Mundo ay isang
kolumnista at nobelista. Kung ihahambing, higit ang paghahandang akademiko ng
ikalawang pangkat kaysa sa nauna dahil may mahigit na antas ng pinag-aralan sa
mga unibersidad sa Estados Undos: Nagkamit sila ng doktorado.
Simula ng Bagong Kritisismo
Sa Buong Mundo
Beginning in the 1930’s that was in the ascendancy for 30
years by Several American Critics – and
a few British(Boyd, Fordham University).
Nag-ugat ang tinatawag na Bagong Kritisismo (New
Criticism) sa Estados Unidos at Inglattera sa ikatlong dekada ng siglo
dalawampu. Sa Rusya naman nagsimula noong ikalawang dekada ang kilusang
tinaguriang Formalismo.
Sa ikalabingsiyam na dantaon,
nai-sangkap sa ekstrinsikong pananaw ang positibismo na isang malakas na
tendensiya lalo na sa mga siyentipikong laranagan.
Sa dekada animnapu, masigla at matatag
na ang Formalismo sa Inggles-iginagalang at ipanapalagay ito na siya lamang
karapat-dapat na paraan ng pagsusuri: may respektabilidad ito sa malaking
unibersidad ng bansa katulad ng Unibersidad ng Pilipinas, Siliman University,
Inibersidad ng San Carlos at
Pamanatasang Ateneo de Manila.
Sa
Pilipinas
Nagsimulang pumasok ang impluwensya ng Formalismo sa
Pilipinas noong dekada limampu, sa pagsisimula ng pagsulat ng mga Pilipinong
karamiha’y nakapag-aral sa Estados Unidos. Nagsimula silang magsulat ng Inggles
at karamihan sa kanila ay nagtuon ng kritikal nilang paningin sa mga akda sa
Inggles.
Sa pagpasok nina Almario, Rogelio G.
Mangahas, Efren R. Abueg, Ave Perez Jacob at Rogelio Sikat sa laranagn ng
kritisismo, inangkin nila an gang puwang sa larangan ng kritisismo, inangkin
nila ang puwang sa larangang dati-rati’y pinamamayanihan ng mga matatandang
kritiko.
Mga Proponent sa Bagong Kritisismo
Ang
Bagong Kritisismo ay prudukto ng pag-unlad ng kilusang modernismo sa kanluran.
Nabigyang daan ang modernistikong pananaw dahil sa magkaugnay na mga pangyayari
sa ikalawang hati ng ikalabingsiyam na dantaon at sa unang mga dekada ng siglo
dalawampu.
Paglitaw ng radikal na sistema ng paniniwala sa siyensya.




·
I.A Richards, William Empson, W.K Wimsatt, T.S Eliot,
Cleanth Brooks, Percy Lubbock
Nagpalagay ng kritisismo bilang siyenya. Ang kritisismo
ay ginawang esensiyal na Gawain sa unibersidad bilang isang praksis na
pinag-aaksayahan ng panahon sa pagsususlta ng mapanuting diskurso,
·
Sherwood Anderson at O. Henry
Modelo sa pagsulat ng Maikling Kuwento.
·
Walt Whitman at William Blake
Modelo sa pagsulat ng Tula
·
Teodoro A.
Agoncillo, Alejandro G. Abadilla, Clodualdo del Mundo at Fernando B.
Monleon
Sumulat ng mga akdang kritikal noong ikapitong dekada.
Kinakitaan sila ng oryentasyong taliwas sa mga alituntunin at patakarang
itinakda ng higit na nakakatandang kritiko. Waring hindi sapat ang kanilang
pagkakaunawa sa sistematikong kritisismo, nagkaroon nanamn sila ng impluwensya
sa mga kabataang kwentista na sinikap nilang hutukin sa kakaibang paraan ng
pagsulat, at higit na paggalang sa sining ng panitikan.
·
Virgilio S. Almario, Rogelio G. Mangahas, Pedro L.
Ricarte at Lamberto E. Antonio
Grupo ng higit na nakakabatang mga kritiko na nag-hudyat
ng paghihimagsik na higit na matindi at polemikal kaysa sa isinagawang rebelyon
nina Abadilla at Agoncillo. Mga mag-aaral sa Pamantasan sa Maynila tulad ng
Unibersidad ng Santo Tomas, University of the East, Far Eastern University, at
Manuel L. Quezon University. Sila ay nagsulat sa Filipino.
(Kung ihahambing ang
dalawang grupo ni Almario, maituturing na higit na ang paghahandang akademiko
ng ikalawang pangkat kaysa sa naunang uri, sa larangan ng kritisismo. May mga
tinapos na karera ang mga batang kritiko: ang ilan sa kanila ay may higit na
mataas na antas ng pinag-aralan sa mga unibersidad sa Estados Unidos: nagkamit
sila ng doktorado).
Simulain ng Bagong Kritisismo
Ang paghihimagsik laban sa historical na pananaw ay isang
dahilan sa paglitaw ng Bagong Kritisismo at maging ang Formalismo. Ang isa pang
tinutulang praktis ng Bagong Kritisismo ay ang hilig ng mga moralistikong
kritiko na pagtuunan ng pansin ang bunga ng akda sa mambabasa.
“ Sa panunuri ng tulang Pilipino, kailangang ipangibabaw
ang masusing pag-aaral ng kabuuan o ang buhay na pagkakaugnay-ugnay ng diwa at
salita na siyang porma ng tula, sa halip na palagiang paghahambing ng anumang
tula sa mga “klasikong” akda nina Balagtas o Lope K. Santos. Sa ganitong
paraan, mababatid ang tunay na uri at katuturan ng daigdig na napapaloob sa
tula at sa natatanging pangitain sa buhay na ipinapahiwatig ng makata. Ito’y
hindi lamang paggalang sa sining kundi pagdiriwang pa rin sa maigting na
pagkamanlilikha ng kaluluwa ng tao. “
Winika
ni San Juan Jr. na ilustrasyon ng oryentasyong
may kakayahan silang magsabi kung ano nga ba ang kailangan ng panunuring
pampanitikan.
Malinaw rito ang paggamit ni San
Juan Jr. ng mga prinsipyo ng Bagong Kritisismo sa kanyang pagpuna sa
kinamihasnang gawi ng ibang mga kritiko, nag awing sukatan sa pag-taya ng mga
tula ng matatandang makata. Sa halip, hinikayat niya ang mga kritiko na
pansinin ang kakanyahan ng tula at ang pagiging isang likha nito.
Magaganap ang simulain ng pagbabago
kung sisikapin ng makata na sirain ang mga pundasyon ng tradisyunal na
panulaan. Kailangang wasakin ng makata ang mga karaniwang balangkas ng
pananalita upang siya ay makalikha.
Positibo at Negatibong Pagtanggap sa Bagong Kritisismo
Positibo
Maraming Kritiko ang tumanggap ng
impluwnsiya ng Bagong Kritisismo sapagkat tunay namang may pundasyon ang mga
pormulang nagmula rito. Bilang praktikal na kritisismo, makabuluhan ang
kalipunan ng mga akdang nagamit na modelo sa pagsusuri ng ilang uri ng akda.
Malinaw na nakapagbukas ang mga
kabataang kritiko ng landasin na matatahak
Nila na kakaiba sa
talamak nang oryentasyon. Ipinakita nila ang kahalagahan ng maingat at masinop
na pagpapako ang atensiyon sa teksto, sa mga element at sangkap na bumubuo
rito, sa kahalagahan ng paglinang ng wika at ng mga retorikal na instrumento.
Sa madaling salita naipamalas ang pangangailangang Makita ang akda bilang
likha.
Sa ganitong tekstwal na oryentasyon,
nabawasan ang mabigat na diin sa talambuhay ng may-akda, sa kasaysayan, at sa
aral na siyang mga sangkap sa tradisyunal na panunuring pampanitikan.
Negatibo
Kahinaan ng Makabagong Kritisismo
at makabagong kritiko ang malabis na pagsandig sa mga disiplinang tulad ng
kasaysayn, pilosopiya, sikolohiya, antropolohiya at linggwistika upang unawain
ang panitikan.
Sa di-kritikal na pagkakabain,
hindi nasusuri ng mga kritiko ang likha at ang proseso ng paglikha. Sa
kakulangan sa wastong kaalaman, nasasadlak ang mga kritiko sa iisang tunguhin
na ang akda ay bunga ng isang serye ng pangyayari sa labas ng panitikan – sa
kanilang paghahanap sa kahulugan.
Bukod sa pagpapaalis sa may-akda,
inihihiwalay ng Formalismo ang akda sa konteksto nito, sa mga pwersang
panlipunan, sa ideolohiya, sa mga pananaw sa buhay ng isang lipunan.
Ahistorikal ang pundamental na
posisyon ng makabagong kritisismo sapagkat iginigiit nito na hindi nalalahiran
ng kasaysayan ang ‘di maiwasang pagdaloy ng panahon ng isang akda.
Ang lakas ng Bagong Kritisismo ay
naging kahinaan din nito sapagkat sa pagbibigay-diin sa mga akdang rasyunal at
intelektwal, at elitist, hindi nito nabuksan ang sarili sa pagsusuri ng
kakaibang mga akda – popular, romantiko at sentimental.
Hindi kayang ipaliwanag ang
teoretikal na batayan at limitasyon ng kanilang pagsusuri. Sa ganitong
kakulangan, lumilitaw ang mga prinsipyo ng Bagong Kritisismo bilang unibersal
at esensiyal na mga alituntunin na dapat gamitin sa lahat ng panahon para sa
lahat ng uri ng akda.
Mga Panliteraryang Teknik
ü Pagbabalik-tanaw – Karaniwan sa teknikong ito ay nagsisimula sa gitna o sa wakas
na ang simula ng lahat ay inaalala na lang.
ü Pagbabala o
Pagpapahiwatig - Gumagamit ng mga palatandaan o senyales.
ü Simbolismo – Pamamaraang gumagamit ng mga sagisag.
ü Alusyon – Mula sa larangang sanggunian gaya ng Bibliya.
ü Kapanabikan – Teknik na gumaganyak sa damdamin at interes.
ü Paglalarawang-diwa - Gumagamit ng
salita na pumupukaw sa mga pandama.
ü Ironya – Ito’y pagbaliktad ng pangyayari.
ü Katutubong-Kulay – Paglalarawan ng particular na kapaligiran.
ü Daloy ng Kamalayan – Paglalarawang hindi sumusunod sa lohika.
ü Paggamit ng Tayutay –
Karaniwang gumagamit ng Simile o
Metapora
Halimbawa ng Akdang nasa Teoryang Bagong Kritisismo
At siya’y namangha sa kanyang namalas,
Naganap ang tagpo’y mistulang pangarap;
SAANMAN TUMITIG
DILAG AY NAGLIGID
SIYA’T TANGING SIYA ANG
PARUPARONG-GUBAT
MANDI’Y ISANG TINIK SA LIPON NG ROSAS.
Sa Tulang “Himala” ni Dominador B. Silos
Gumamit ito ng
Tayutay na pahalintulad, Isang tayutay na may tambalang paghahambing na
nangangahulugang pagkakawangki ng mga pagkakaugnay. Balangkas: Ang ugnayang AB
ay tulad ng ugnayang CD.
MABANGONG
BULAKLAK! . . . SIMBANGO
Ng di
pa nahahagkang pisngi ng isang dalaga . . .
MAPUTING
BULAKLAK! . . . SIMPUTI ng
PURING
alaalaga pa ng napakahinti’t mutyang dalagita! . . .
Sa Tulang “Sampagita”
ni Pedro Gatmaitan
Gumamit ng Tayutay na
Pahambing, tayutay na naghahambing ng tao o bagay sa iba, o nagpapalagay na ang
dalawa’y magkawangis sa isang katangian I kauring kaowa angkin ng mga ito. Balangkas: Si A ay . . . ni B.
Ang
tao kung minsa;y batang nagagalak,
Utal
pa ang dila, kung mangusap, pantas!
Ipasko
si Kristo ang sabi ng lahat
At ang
pakawala’y itong si Barrabas . . .!
Sa Tulang “Ang
sasabihin ng Tao” ni Jose Corazon de Jesus
Gumamit ng Tayutay na
Balintuna (irony), tayutay na sa pamamagitan nito, ang kahulugan patitik ng
isang anyo ng pananalita ay kabaligtaran ng tangkang sabihin, dahil sa ang
isang bagay na sinasabi ay may ibang pakahulugan at ginamit sa pangungutya o
katuwaan lamang.
TALASANGGUNIAN
Almario, Virgilio S. Balagtasismo
versus Modernismo. Ateneo de Manila University
Press. Loyola Heights, Quezon City, 1992.
Arrogante, Jose A. Pagpapahalagang
Sining sa Filipino. Navotas Press
Navaotas City, 2009.
Austero, Cecila et. Al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Binagong
Edisyon). Unlad Publishing House, Pasig City, 2010.
Bagsit- Macaraig, Milagros. Sulyap sa Panulaang Filipino. Rex Printing
Press. Loyola Heights, Quezon City, 2005.
Reyes, Soledad S. Kritisismo:
Mga Teorya at Antolohiya para sa Epektibong
Pagtuturo ng Panitikan. Anvil Publishing House,
INC. Pasig, Mtero
Manila, 1992.
The Encyclopedia Americana, - International Edition. Encyclopedias and
Dictionaries. I. Groiler Incorporated, USA, 2000.
Di ko magets taena hahahahaha
TumugonBurahin